Jun 15, 2007

Filled Under:

Lovely Grace



sino si Lovely Grace?

gf ko si lovely grace, 11 months na kami.. mag 1 year na kami ngayong July 1, 2007.. pero, nagkasakit sya, malubhang sakit dahil sa alak.. dinala sya sa hospital nung Sunday ng umaga dahil nakita nlng sya ng kanyang ina sa sala na walang malay at naninigas.. di ko inakala na mangyayari yun kasi kasama kami nung gabing yun.. at ok pa naman sya pag uwi..

pinuntahan ko kaagad sya sa hospital nung araw na yun.. at nakita ko sya na nakahiga at pinagtutulongan ng mga doktor.. maraming nakakabit na dextros sa kanyang katawan at naka oxygen.. naiyak ako.. bakit ba nangyari to... sabi ng doktor na mataas daw ang kanyang sugar.. diabetic daw, at mataas rin ang kanyang acid sa katawan.. kaya sya nagkakombulsyon.. na coma sya ng dalawang araw..

laking salamat ko nlng dahil nagkamalay na sya, nakakita na sya at nakakagalaw.. pero hindi pa rin nakakapagsalita.. hindi nya kilala ang mga tao sa paligid nya.. kahit ganun magaan na rin ang kalooban ko..

dalawang araw ang nakalipas.. tinanggal na rin ang oxygen at mga dextros sa katawan nya.. bumaba na rin ang kanyang lagnat.. pero di pa rin nya ako nakikilala at ang kanyang ina.. nag alala na ako..

dinala sya sa chung hua para ma ct scan para matingnan ang kanyang utak.. meron daw namamaga sa loob sabi ng kanyang ina.. maghihintay nlng kami sa official result ng kanyang ct scan..

sana naman di malubha ang resulta.. talagang di ako mapakali..

ipagdasal natin ang girlfriend ko.. ito nlng ang tangi nyan pag asa.. :(

3 comments:

jared said...

matindi yata yung nangyari pare. sali ko siya sa panalangin ko. have faith bro!

Tingog said...

strengthen you faith, bro! i pray for her..

Utah Mommy said...

Oh my goodness! you made me cry with this entry of yours. What a waste! I pray she will gain her memory and she'll come back alive again like the first time you met her.